Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice tinapos ang giyera kay Ate Gay

0 971

RODEL FERNANDO: Ang ganda talagang tingnan na ang dating magkagalit ay okey na at nagdadamayan. Ngayong nasa hindi magandang kalagayan si ate Gay dahil sa sakit na pneumonia ay naghatid ng tulong sa kanya ang dati niyang nakaalitan na si Vice Ganda.

Sa puntong ito ay hinahanggan natin si Vice dahil sa kababaan ng kaniyang loob. Naipakita niya ang pagiging mabuti niyang tao dahil hindi lamang si ate Gay ang natulungan niya, pati na rin ang maraming stand-up comedian. Nandiyan siya na umayuda sa panahon ng pandemya.

Isa rin sa mga nakatutuwang pagmasdan ngayon dahil sa kanilang pagkakaibigan ay sina Marian Rivera at Katrina Halili. Dati rati kasi ay nagpapatutsadahan ang dalawa sa kanilang mga social media accounts.

Pero natapos naman ito at naging okey sila. Naging ninang pa si Marian ng anak ni Katrina. At ngayon nga ay lalong lumalim ang kanilang friendship at bilang magkumare.

MILDRED BACUD:Ganoon naman talaga sa showbiz walang permanente. Naalala niyo pa mga ka-Cuatros no’ng 2019 nang magkaroon ng misunderstanding sina Ate Gay at Vice Ganda dahil sa hindi natuloy na guesting nu’ng una sa It’s Showtime. Nag-rant si ate Gay sa FB ng sama ng loob. Oo nga naman at nakapagrehearse na siya at nakapagpictorial pero biglang kinansel ang pagsali sana niya sa celebrity edition ng TNT. Ang kinainis niya ay hindi man lamang daw siya nasabihan ng production kung ano amg dahilan. Pagkatapos ay na-namedrop na lang ang pangalan niya ni Vice Ganda habang nagbibiro sa isang contestant. Hindi ito nagustuhan ni ate Gay at sinabing, ” Sensya na po pero makapangyarihan kasi mga binibitawang salita sa telebisyon at eto lang ang sandata ko para maipagtanggol ko sarili ko.”

Hindi naman na pinatulan ni Vice ang putak ni ate Gay. Kaya naman nakakatuwa na sa pagkakataong nanganagailangan si ya, sinantabi ni Vice kung ano mang misunderstanding meron sila. Kung sa bagay, sinu-sino pa ba amg magtutulungan. Pareho namang mundo ang pinanggalingan ng dalawa, ang pagiging stand-up comedian.

ROLDAN CASTRO: Maihahalintulad si Vice Ganda kay Willie Revillame.

SM food to go Banner Ad

Kahit may samaan ng loob, lumalambot pa rin ang puso.

O, di ba matagal na hindi nag-uusap noon sina Kuya Wil at Super Tekla. Pero nang mangailangan ang komedyante para sa operasyon ng anak ay hindi nagdalawang isip si Willie na tulungan siya.

So, happy kami na tapos na rin ang giyera nina Vice at ate Gay.

ROMMEL PLACENTE:Mga ka-Cuatros,uso talaga ang kasabihang ‘nothing is permanent in this world except changes’ Ang mga magkakaibigang artista,dumarating sa punto na nagkakaaway o nagkakasamaan ng loob. Tulad nina Ara Mina at Aiko Melendez,naging friends sila noong naging part sila rati ng gag show na Bubble Gang ng GMA 7.Pero nasira ang friendship nila noong naging boyfriend ni Ara si Jomari Yllana noong 2001, nang mahiwalay ito kay Aiko.Pero that time ay kasal pa ang aktor kay Aiko. Nagkaroon ng word war ang dalawang mahuhusay na aktres dahil kay Jomari. Umabot ng 16 years ang alitan nila Nagkabati sila noong nagkita sila sa burol ng namayapa kong ama noong 2017.

Natapos na ang alitan sa pagitan nila.

O, di ba,all”s well that ends well sa pagitan nina Ara at Aiko. Friends na uli sila ngayon at nagti-text-an.

Leave A Reply

Your email address will not be published.