Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice tinawag na kabayo ni Ion

0 41

Sa kanyang vlog, in-assess ni Vice Ganda at ng dyowa niyang si Ion Perez ang naging kapalaran nila noong 2021.

Pinag-usapan din nila ang kanilang mga natutunan noong nakaraang taon.

Anila, bagamat hamon sa kalusugan ang 2021 dahil sa Covid-19, may blessings daw namang hatid ito.

Lumaki raw ang kanilang pamilya dahil nakilala nila ang mga kamag-anak ng bawat isa.

Ayon naman kay Ion, best thing na nangyari sa kanya ay noong nakapag-travel sila ni Vice sa Tate para sa shows nito.

Natuto raw sila na kumilos at magpatuloy lang sa pakikibaka sa kabila ng pandemya.

Hirit pa ni Ion, noong tinawag nga raw si Vice para mag-perform sa entablado ay kinabahan sa siya.

Akala kasi niya ay hindi na ito tatangkilikin ng audience dahil sa pandemic.

Nang pinalakpakan daw ang dyowa, doon daw niya napagtantong may sipa pa ang “kabayo.”

Maituturing naman ni Ion na best achievement niya ang matuto siyang mag-motocross.

Ang nagmarkang tao raw sa kanya ay kanyang coach na madalas niyang kasama.

Sa naturang vlog, optimistic din ang It’s Showtime host na magiging maganda ang 2022 para sa kanilang dalawa.

Sa mga walang sawa namang bumabatikos sa kanila, keber na lang daw ang dalawa.

Na-realize rin daw nila na mas kaaya-ayang gamitin ang kanilang enerhiya sa mga positibong bagay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.