Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice todo patawa sa VG-tal concert

0 366

NI: ROLDAN CASTRO

Finally may konsyerto ulit si Vice Ganda kahit pandemya. Hatid niya ay unkabogable at pasavogue na good vibes dahil ipapakalat na ang kagandahan at tawanan. Ito’y sa virtual concert na mangyayari sa July 17,9:00 PM (Philippine screening), July 18 (11 A.M. Manila time (Worldwide screening) sa KTX.ph. Pinamagatan itong ‘Gandemic Vice Ganda:The VG-tal Concert.’

Bilang preparasyon ni Vice at first time sumalang sa ganitong show kaya pinanood niya ang digital concert nina Sarah Geronimo,Regine Velasquez at Daniel Padilla.

“Wala kasi akong idea how these digital concert happens. Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert.May conscious effort ako na manood at bantayan yung ganap para may idea ako,” deklara niya.

SM food to go Banner Ad

Pinagmamalaki naman ni Vice na kakaiba ang gagawin niya kumpara sa mga virtual concert na pinalabas na. Sigurado raw na magi-enjoy ang mga ito dahil 90% ay comedy ito.

“ ‘Yung show ko naman is different, very different from the concerts of singers. Kasi, hindi naman talaga ‘yon ang strength ko.Hindi ako super sing, hindi naman ako super dance,” sambit pa niya.

“Ito talaga, not so much of the songs and the dances, kasi ibinibigay na ng iba ‘yon.Ako,ibibigay ko ang strength ko, super patawa, at yun ang gusto ko i-make sure talaga.Kailangan grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan nila, di ba?,” lahad pa ng komedyante-TV host.

Ang ticket prices sa Gandemic ay 1000 regular at 1500 VIP.Tickets available now on http://bit.ly/Gandemic at KTX.ph!

Leave A Reply

Your email address will not be published.