Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘tsinugi’ si Inday

0 392

Nahingan ng panig ang komedyanteng si Inday Garutay kaugnay ng pagpalag niya sa pang-iinsulto sa kanya nina Vice Ganda at ng dalawang miyembro ng Beks Battalion na sina Lassy Marquez at MC Calaquian.

Sa vlog kasi ni Vice, among the comedians na kilala nila, ini-nominate nila si Inday bilang komedyanteng para sa kanila ay hindi nakakatawa sa episode na “Sino ang Ihahalal”.

Aniya, ang pagtawag daw niya ng gargoyles sa mga alipores ni Vice ay ganti lamang sa pang-iinsultong ginawa ng mga ito sa kanya.

Una-una, hindi raw naman siya close kay MC kaya nagtataka siya kung bakit siya inokray nito.

Hindi rin daw niya i-bet na inihanay siya kina Anton Diva at Janelle Jamer dahil sa totoo lang, hindi raw naman mga komedyante ang mga ito.

Dagdag pa niya, ang ginawa raw nila na pagpapahiya sa kanya ay may undue disadvantage.

Dahil daw sa clout ni Vice, paano raw kung may maniwala sa TV host at mawalan siya ng trabaho, so na-luz valdez daw ang oportunidad niya para kumita.

Sa tanong naman kung may hindi sila pagkakaunawaan ni Vice in the past, inamin ni Inday na si Vice umano ang nagpatsugi sa kanya noon sa isang comedy bar na pinagtratrabahuhan niya. (Ayon sa staff ng comedy bar, pinagpahinga mismo raw si Inday ng management-ED).

Anyway, aniya, wala na raw naman siyang sama ng loob kay Vice at ang lahat daw ay water under the bridge na lamang.

Katunayan, hindi raw naman niya ito dededmahin kung sakaling magkikita sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.