Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice tuloy sa TV5

0 2,136

Matunog ang usap-usapang last March na mapapanood na rin ang It’s Showtime sa TV5. May nagtsika sa amin na mukhang matutuloy na ito.

Kung sa bagay hindi naman imposible dahil marami na rin namang shows ng ABS-CBN ang napanood na sa TV5 gaya ng ASAP at ilang serye ng Kapamilya.

Kasama rin kaya sa mapapanood sa Kapatid network ang bagong game show ni Vice Ganda na Everybody Sing? Inanunsiyo na kasi na this June ay tuluy na tuloy na siya. Matatandaang bago mag-shut down at pandemya ay mapapanood na sana ito. Ito sana ang papalit sa Gandang Gabi Vice pero naunsyami nga dahil sa mga pangyayari.

Direktor ng Goin’ Bulilit nasa Bubble Gang na

Unti-unti na nga bang umaalis ang magagaling na direktor sa Kapamilya network? Una si Mr. M. pagkatapos ay si direk Bobet Vidanes na tumawid sa TV5.

Pagkatapos sa TV5, nasa Wowowin naman ngayon si direk Edgar Mortiz.Sinundan naman ngayon ni direk Frasco Mortiz ( dating director ng Goin Bulilit at Luv U) na nasa GMA na ngayon. Nu’ng Biyernes ay napanood na ang unang pagdidirek niya sa Bubble Gang.

Tsika ng aming source may mga ilan pa raw susunod hindi lang director but creative people too. Well that’s good. Hindi ba’t yun naman ang sinasabing kulang sa Kapuso, ang creative team. Hindi rin naman natin masisi ang mga lumilipat dahil kailangan din naman nila ng trabaho.

SM food to go Banner Ad

Ronnie tinalakan sa pagpatong

Nag-react ang mga netizen sa latest post ni Ronnie Alonte sa kanyang Instagram account. Kasama niya sa photo ang nobyang si Loisa Andalio.
Napansin nila na ang kamay nito ay halos nakapatong na sa maselang bahagi ng katawan ng aktres.

Reaksyon ng isang netizen, ” Sobrang relax mo kay Loisa, pati na kamay mo.”

Komento naman ng isa, ” Ronnie, ang kamay mo may pagkalikot.” May post pang, “Saan yan nakahawak kuys.hehehe”

Well dapat nag-iingat din ang mga artista lalo na ang magkakarelasyon na mag-post ng mga ganito. Although karapatan nila ‘yun.

Lagi lang nila tandaan na celebrity sila,Lahat ng kilos nila ay binabantayan at nahuhusgahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.