Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice windang buhay kay Ion

0 1,204

NI:ARCHIE LIAO

Samu’t-saring pambabatikos mula sa mga netizen ang natatanggap ng dyowa ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Ito ay pagkatapos niyang mag-react sa komento ng netizens na duda sila sa pagkalalaki nito.

Hindi kasi nila bet ang pagpapakulay ng buhok nito, pagsusuot ng makukulay na damit na animo’y pambalaki at maging sa porma at tikas nito na anila’y may kalambutan.

Nagsimula ang pag-question sa gender ni Ion dahil sa kanyang larawan na nakaupo .

Depensa naman niya, “Upong Koreano bakla agad??? Mga u__l hahahaha.”

Kahit nag-react ito at napikon sa pamba-bash sa kanya,, hindi pa rin siya tinantanan ng pambabatikos. Hindi pinapakinggan ang pagtatanggol niya sa kanyang sekswalidad.

Hirit ng ilan, jinx umano ang dating model at kontesero .Mula raw nang maging sila ni Vice, maraming hindi magagandang nangyayari sa career ng unkabogable star.

Pagkatapos ng ilang taong pagrereyna sa box office, ang filmfest entry ng GGV host noong nakaraang taon ay bigong makakuha ng number one spot .Kinabog ito ng pelikula ni Aga.

Isinisisi rin sa kanya ang paglamlam ng karera ng komedyante.

Noong naging sila, nasangkot din sa kontrobersya dahil sa ‘dare’ nito kay Quiboloy.

Ngayon naman, apektado rin ang komedyante

dahil kasalukuyan pa ring nakabitin sa balag ng alanganin ang prangkisa ng Dos.

(Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.