Abante Tonite Interactive

Viceral ipinagyabang ang pagiging milyonaryo

726

Sa totoo lang, ang diva that you love, ngayon lang napagtanto na ang DDS bungangero na si Sass Sassot, ang dating bakla na ngayon ay babae na at si Vice Ganda, ang queen bayot na ginagawa ang lahat para siya ay maging mukhang babae, may something in common pala. Ang kanilang pagkakahalintulad, “kadiri to death,” pardon me for the oh-so-80s expression.

Ang baklang Sassot, may ganitong hanash, na kung may nakikita ka raw na babaing ginagahasa ng isang adik, sino ang iyong tatawagin, si Diokno ba o si Bato?

Walang kaduda-duda na wala sa hulog ang pautot na ito ni Sassot. Dahil kung matino talaga siya, she will not wish any woman na magahasa ng isang adik kahit pa ng ba hypothetical scenario pa ito.

Pangalawa, if she is championing suppo-sedly the gains of Bato as the keeper of Manila’s peace, bakit kailangang may adik na rapist pa rin sa iyong fertile mind kung talagang matagumpay ang war on drugs? Pangatlo, kung talagang babae ka, sa isip, sa puso at mas lalong sa gawa, dapat for the greater good ang iyong iniisip at hinahangad, at hindi kapahamakan ng kahit ninuman.

Si Vice, dahil may politically incorrect views na naman siya, pinagtatanggol niya lang ang kanyang sarili sa mga basher.

Aroganteng-arogante ang post na ito ni Vice “And I don’t have to brag about my mo-netary capabilities. Everybody knows I’m a millionaire because I’m a hardworking Filipino. Bitch!!! Sabay hampas ng balakang! Catwalk. Exit.”

Ang mga tunay na mayayaman, hardwor-king rin Jose Marie pero don’t write a post like this. Hindi pinagmamayabang ang pagiging milyonaryo. Majority of them do not have a social media accountto flaunt how rich they are and what their money can buy and taunt others on what they have.
***

Vilma hinog maging Presidente

A new political force and star agad-agad si Vico Sotto. Sa kanyang mga pa-nayam, sa major n­etworks, broadsheets, tabloids, radio shows, kitang-kita, mababasa at maririnig na matalino ang binata, charming, splitting image ng kanyang tatay, walang ere at yabang at alam niya na his business is good governance.

Isa sa pinaka-best interviews ni Vico ay ang sa Kapuso Mo, Jessica Sojo. As always, panalong-panalo ang reportage dahil all angles covered, from the digits, interview with his parents at mismong panayam sa binata, panalong-panalo.

Ang tagumpay ni Vico, na para sa millennials ay isang young Jedi master ay isang patotoo na may relatively young people in the said demographic na hindi natatakot kalabanin at gibain ang status quo. Na may tunay na malasakit at puso para sa bayan,

With all eyes on him, tiyak na Vico will be scrutinized to death at hindi madali ang mga pagbabago gustong niyang ilatag sa Pasig lalong-lalo na kung paano bibigyang pag-asa at ginhawa ang East Pasig kung saan wala pa rin ang silver lining na kanilang hinahanap-hanap.

Marami ang nagsasabi sa pinakamalapit na hinaharap, hindi imposibleng maging Pangulo sa Vico, sa tamang panahon.

Pero bago si Vico, at bago pa mangarap ni Senador Manny Pacquiao na siya ang M­essiah ng Pilipinas o si Sarah Duterte na siya ang bukod tanging babaing pinagpala sa lahat na siyang magpapatuloy sa pamana ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ang diva that you love, ngayon ka lang, inihahayag ko na sa lahat ang aking nasa, at naway ang mga Pulis Pangkalawakan, pagbigyan ang hiling kong ito, “Rosa Vilma Santos-Recto for President! At iyan ang totoo!”

Gaya ni Vico, nagsimula ang Star for All Seasons bilang mayor ng Batangas. Siyam na taon siyang pinanday sa pagiging alkalde. Nga-yon naman, ikalawang termino na niya bilang congresswoman ng Lipa at uncontested.

Pag tapos na ang kanyang second term, hinog na siya sa pagi-ging Pangulo. Maaring sa ngayon, wala sa kaibuturan ni Ate Vi ang maging president ng Republika pero pasasaan ba, kung talaga siya ang nakatadhana, mangyayari ang dapat mangyari.

We need young bloods like Vico Sotto, Isko Moreno and other­s para sa local posts. At we need a seasoned politician like Vilma Santos to make this country great again.

Muli, ang aking pa-nawagan, “Vilma Santos for President!” Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi si Vilma, sino pa?