Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vicki nagbakuna sa Makati

0 517

NI: VINIA VIVAR

Pinuri ng mga netizen si Dra. Vicki Belo sa pagiging volunteer para magsagawa ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga residente sa Makati.

Naka-post sa Instagram page ng sikat na dermatologist ang mga larawan niya habang nagbabakuna siya (complete with safety gears) sa mga tao.

“Recently , I’ve been thinking about my “why” . Being able to help others will always be one of them . Thank you to Brgy. Dasmariñas, the Covid Task Force of Makati, Carrie Legazpi, and all the front liners present in CSA Makati today. It was an honor to serve with you,” ang caption ni Dra. Vicki.

Sa comment section ay nagpahayag ng papuri at suporta ang ilan sa mga showbiz personalites natin tulad nina Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Gretchen Ho, Tim Yap, at Michelle Dy.

“This is amazing doc @victoria_belo and team,” papuri naman ng isang netizen.

“What a good job,” sey naman ng isa pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.