Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vicki nireto si Hayden sa anak

0 80

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo sa vlog ni Toni Gonzaga na “Toni Talks.”

Napag-usapan sa nasabing session kung paano sila nagkakilala.

Back in 2005, noong una raw silang nagkita na intern pa ito sa isang medical school, dedma lang daw si Hayden sa una nilang encounter.

Nagulat din daw siya dahil maraming girls ang nagswo-swoon sa pagkasimpatiko nito.

“Honestly, di niya ako pinansin. Hindi niya ako tiningnan, wala,” pagbabahagi niya.

Ibinida rin niya kung paano niya nilapitan si Hayden noon.

“Mga third hour, I stood up. Sabi ng friend ko, ‘San ka pupunta?’ and sabi ko, ‘I will entertain myself’ umupo ako sa tabi niya,”kuwento niya.

Ikinamangha naman ni Toni ang naging rebelasyon ng doktora na nireto pa niya si Hayden sa anak.

“Sabi ko, ‘Ay, 24? 25? Okay baka pwede kay Cristalle.’ So when I actually arrived home that night, the first thing I told Cristalle, ‘I found na your husband.’ He’s a doctor, he’s tall, he’s handsome, he’s funny, and he is smart,'” ani Vicki.

Pero may sarili raw plano ang Diyos dahil sa halip na si Cristalle, sila ang nagkatuluyan ni Hayden.

Pagbabalik-tanaw pa niya, bilib din daw siya kay Hayden na, at 25 ay marami nang achievements, kumpara sa kanya.

Bukod sa may titulo, hindi rin daw iyong tipong pang-boy toy.

As time goes by, na-develop daw ang attraction nila sa isa’t-isa sa kabila ng agwat ng kanilang edad.

Pero nang pumutok daw ang sex scandal nito na pinakalat ng isang extortionist, aminado siyang nasubok ang kanilang relationship.

Nagawa raw niyang patawarin ang mister dahil naisip niyang kailangan nito ng kalinga at pang-unawa noong panahong nagtangka itong mag-suicide.

Kahit pa sabihing tanga, doon daw nanaig ang pagmamahal niya sa celebrity doctor.

Malaking factor din daw ang pagiging open nito sa kanya lalo na noong ipagtatapat nitong minolestiya at a young age, bagay na inilihim ni Hayden sa kanyang mga magulang.

Ngayon, isang changed man na raw si Hayden na kung tutuusin, bukod sa pagiging spiritual person, ay mas mature raw mag-isip sa kanya.

Malalim na rin daw ang pundasyon ng kanilang pagsasama lalo pa’t meron na silang bibang anak na si Scarlet Snow.

Leave A Reply

Your email address will not be published.