Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vicki sinita sa presinto

0 45

NI: ARCHIE LIAO

Ibinahagi ni Dra. Vicki Belo ang kanyang naging karanasan sa pagboto noong nakaraang eleksyon.

Sa presinto kasing pinuntahan nila kasama ang kanyang mister na si Hayden Kho, ex-husband na si Atom Henares, anak na si Quark at ang misis nitong si Bianca, mahaba ang pila ng mga botante.

Dahil senior citizen naman siya, naisipan daw niyang gamitin ang priority lane na maikli lamang ang pila.

Ani Vicki, sinita raw siya ng isang botante dahil akala nito ay nakikisingit lang siya sa pila.

Hindi raw kasi makapaniwala itong sa hitsura niya ay isa na siyang senior citizen.

Sa kanyang naging karanasan, hindi rin niya masabi kung matutuwa siya o maiinis.

Ito naman ang ilang komento ng mga netizen.

“May asim pa ang Lola mo dahil she could pass for a 40 year old.”

“Beauty is her business kaya dapat lang lagi siyang mukhang bata at fresh.”

“She’s just exercising one of the perks of a senior citizen.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.