Abante Tonite Interactive

Vicky, Atom, Pia lumalaban para sa ABS-CBN

1,170

Sa true lang, ang diva that you love ayaw isiping nasa panic mode na ang ABS-CBN tungkol sa franchise situation nila.

Ngayong ang Korte Suprema, hinihingi na ang kanilang opisyal na tugon sa quo warranto na isinumete ng Solicitor’s General office, hayaan natin na ang mga mahuhusay nilang mga abogado ay gawin ang kanilang tungkulin na buo ang loob, may tapang at mga bayag na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at ihain ang kanilang legal na saloobin at opisyal na opinion.

Hindi ko na uulitin pa ang mga ipinahayag nina Coco Martin, Angel Locsin, Vice Ganda, Regine Veleasquez, Anne Smith-Heussaff, Boy Abunda at marami pang mga Kapamilya artists na sinasambulat ang kanilang mga saloobin. Karapatan nilang ipagtanggol ang kanilang pinagtratrabahuhan. Sa true lang, sila ay nasa katwiran at hulog,

Kahanga-hanga rin na ang mga Kapuso artists, ilan pa lang sina Dingdong Dantes, Aiko Melendez at Eugene Domingo, ay pumapalag na tungkol sa garapalang galawang ito. Walang duda na marami pa ang susunod na magsasalita, makikibaka at walang takot.

Kapuri-puri rin na ang mga news anchor na sina Pia Arcangel, Vicky Morales at Atom Araullo sa kanilang news program. Ipinakita ang kanilang simpleng pamamaraan ng suporta sa Kapamilya station. Ang mga kulay na identified sa logo ng mga taga-Dos, ang siyang kulay ng kanilang mga kasuotan.

Lambing sa lahat ng mga bumabasa sa Diva Chronicles, huwag natin hayaan ang kawalanghiyaan. Mag-ingay at sugpuin ang kabuktutan. Umalma sa lantarang pagkagahaman .Hindi ito panahon para magmasid lang at manahimik. Ipaglaban natin ang ating karapatan sa malayang pamamahayag, serbisyong sinsero sa publiko, mga palatuntunang makabuluhan at pelikulang may katuturan.

Ang laban ng mga taga- ABS-CBN, ay laban nating lahat. Huwag maging bulag, pipi, bingi sa katotohanan.

Hatol kina Xian, Cristine nakakanerbyos

Bago ang Araw ng mga Puso, ang “James , Pat and Dave” na pinagbibidahan nina Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Donny Pangilinan ang ipapalabas sa mga sinehan.

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, ano nga kaya ang magiging kapalaran nito sa takilya? Sa true lang, ang diva that you love dahil bet ang pagiging tapat nina Ronnie at Loisa, umaasa na ang madlang pipol eh yayakapin at susuportahan ang kanilang pre-Valentine’s offering. Sa panahon ngayon na maligalig, kilig at romansa ang magpapagaan sa kalooban at kaluluwa nating lahat.

Pagkatapos ng Valentine, ang “Untrue” nina Xian Lim at Cristine Reyes, pati na rin ang pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi, ang “Watchlist” naman ang itatanghal sa mga sinehan.

Parehong mabibigat ang mga paksa sa nasabing mga pelikula . Dahil dito, nakaka-nerbiyos kung ano ang hatol na ibibigay sa kanila ng mga manonood.

Hindi naman ako sigurado kung makakatulong ang away ni Lim at ng kanyang director para maging mausisa ang mga tao sa pelikula nilang paparating.
Ang brillo at husay ni Alessandra bilang aktres, wala ring katiyakan kung sapat para marahuyo ang mga manonood sa cinematic offering na siya ang panganuhing bida.

Hope springs eternal, sa true lang kaya naway ang tatlong pelikulang ito, siksik, liglig at umaapaw na swerte at kita sa takilya, ang kanilang maging mga biyaya.

Heart kabogerang palengkera

Sa true lang, aliw na aliw ang diva that you love sa paandar ni Love Marie Ongpauco-Escudero na mas kilala nating lahat bilang Heart Evangelista.

Yung mga video clip niya kung saan sinasabi niyang mamili siya at maglilinis daw, na ang suot eh branded at couture, tapos fully made up pa siya na lalo niyang kinarikit,

Kaya nga, kung sino man ang may matabang utak na nagsuhestiyon na siya ay kapanayamin habang namamalengke sa isang supermarket na yes oh yes, naka-kabogerang outfit pa rin siyempre, palakpakan na may kasamang sigawan para sa iyo.

Sa iba, maaring sobrang nagpapaka-alta si Evangelista at bordering na sa pagiging insensitive dahil sa paandar niyang couture wearing palengkera, mas marami ang lugod na lugod sa kanyang dramang shop till you drop in the supermarket while donning designer and labelled outfits and boots.
Delightful at nakaka-good vibes talaga si Love Marie na kaarawan sa Valentine’s day, huh!