Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vico dinedma P2M suhol sa business permit

0 541

Inilahad ni Pasig City Mayor Vico Sotto na tinanggihan niya ang P2 milyong inaalok na suhol sa kanya para sa business permit.

Sinabi ito ng alkalde sa kanyang State of the City Address na ginanap noong Hulyo 2.

Ayon kay Sotto, may pagkakataon aniya na inalok siya ng P2 milyon para sa business permit subalit hindi siya nagpasilaw dito.

“Alam po ninyo na may mga ibang lumapit sa akin, may dala-dalang pera. Tinanggihan ko po `yon dahil `yon po ang pangako ko sa taongbayan. Mayroon pong nagdala sa opisina ko ng P2 million para mapabilis `yong approval ng kanyang permit. Pero hindi po natin pinansin `yon,” ani Sotto.

Ipinagmalaki rin nito na may ipon na ang kanilang lungsod na P414.7 milyon simula Oktubre 2019.

Idiniin ng alkalde na napagtagumpayan nila ito dahil walang pera na napupunta sa bulsa niya at may maayos silang bids and awards committee.

“Nagagawa rin po natin ‘to dahil walang perang napupunta sa bulsa ko,” wika ng alkalde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.