Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vico negatibo sa coronavirus test

0 345

Lumabas na negatibo ang resulta ng RT-PCR test para sa COVID-19 kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kinumpirma ito ng alkalde kagabi sa mga reporter matapos siyang sumailalim sa RT-PCR test nitong Linggo nang ma-expose sa kanyang drayber na nagpositibo sa COVID-19 at kalaunan ay namatay sa nasabing sakit.

“NEGATIVE ang result ng pcr test ko. Negative din yung nakasama namin sa sasakyan. Thank you for your messages and prayers. Let’s all do our part to prevent the spread of this virus and its variants,” base sa inilabas na pahayag ni Sotto kagabi.

Pero ayon kay Sotto, itutuloy pa rin niya ang dalawang linggong quarantine upang masigurong wala siyang COVID-19.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.