Abante Tonite Interactive

Vico payag sa lockdown extension

500

Sang-ayon si Pasig City Mayor Vico Sotto na palawigin ang enhanced community quarantine na kasalukuyan pang ipinatutupad sa buong Luzon.

Ayon sa alkalde, isang pagkakataon ito para matukoy kung sino ang mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ito ni Sotto sa panayam sa telebisyon nang matanong kung sang-ayon ba siya na palawigin pa ng 15 hanggang 20 araw ang enhanced community quarantine.

“OK lang ma-extend on condition na ma-ramp up ang testing at `di saying,” ani Sotto.

Kasalukuyan pang pinag-iisipan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF-EID) kung palalawigin pa ang enhanced community quarantine.

Ipinahayag din kamakailan ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force on Covid-19, na sisimulan ang mass testing sa Abril 14, kung kalian matatapos ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon. (Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad