Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vico Sotto naturukan na

0 210

Nagpaturok na ng AstraZeneca COVID-19 vaccine si Pasig City Mayor Vico Sotto, Sabado ng hapon.

Si Sotto ang pang-57,858 residente ng Pasig na nabakunahan na.

“Ilang linggo na rin akong kinukulit ng vaccination team natin na magpabakuna na. Nasa kategoryang A1 ang mga mayor. Gusto ko naman talagang magpabakuna, pero lagi kong naiisip na may mga mas dapat unahin na high risk, katulad ng seniors. Pero napagtanto ko na ang pagbabakuna ay hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa lahat ng nakakasalamuha ko,” ayon sa Facebook post ng alkalde.

Dagdag ng alkalde, “hindi na ako nakihati sa dami ng humihingi ng Pfizer” dahil epektibo naman aniya lahat ng mga aprubadong vaccine brand. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.