Abante Tonite Interactive

Vico tiwalang mababasura kaso sa NBI

632

Kumpiyansa si Pasig City Mayor Vico Sotto na walang mangyayari sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ( NBI) kaugnay umano sa kanyang paglabag sa tricycles ban na bumiyahe sa panahon ng lockdown.

Sa panayam ng ANC sinabi ni Mayor Sotto “ I am”confident that “nothing will happen”.

Sinabi nito na sumagot na siya sa NBI “ let see what they will do”, sabi niya sa panayam.

“Ang totoo naman ho, wala naman talaga yung kaso. The law did not exist yet. Their first letter to me, they didn’t specify. I’m confident that nothing will happen there,” pahayag niya sa ANC.

Nauna ng sinabi ni Sotto na March 17 umano ng pinayagan niyang lumabas ang tricycles at March 23 naman inaprobahan ang batas na Bayanihan Heal As One Act kung kayat wala naman na- violate. ( Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad