Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vico type ka-tandem ni Isko

0 1,691

Idineklara ni Manila Mayor Isko Moreno na si Pasig Mayor Vico Sotto ang gusto niyang maka-tandem bilang Pangulo o Pangalawang Pangulo sa mga darating na Presidential elections.

Ipinahayag niya ito sa kanyang panayam ng Politiko.com kahapon.

Tinanong kasi sa kanya kung sino ang pwede niyang maka-tandem among Mayor Vico, Davao Mayor Sara Duterte, Baguio Mayor Benjamin Magalong and Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Ayon kay Yorme (tawag kay Mayor Isko), kung sa malayong hinaharap pa, si Mayor Vico ang gusto niyang maka-tandem.
“Kung qualified na si Mayor Vico – kasi hindi siya magku-qualify, eh because of his age – gusto ko siya,” pahayag ni Yorme.

Pero kung sa 2022 elections na ito, ang gusto raw niya ay si Mayor Sara.

“Ngayon, kung halimbawa, just for the sake of conversation, si Mayor Sarah, kung ‘yan ay papalapit na, di ba, 2022? Because qualified siya sa age,” he said.

Paliwanag pa niya, “pag sinabi ko kasing Mayor Vico, unfair to him, sa age kasi.”

Inamin din ng dating That’s Entertainment na pangarap niya talaga ang maging Pangulo ng bansa at siguro naman daw, lahat ng politiko ay ganito rin ang dream.

“Noong napasok ako sa politika. Pero hindi ko pinangarap noong bata ako, nun’g bata like elementary, ang gusto ko maging kapitan ng barko,” aniya.

Pero ngayong nasa politika na siya, siyempre ay naging pangarap na raw niya ang maging Pangulo.

SM food to go Banner Ad

“Kasi, nasa government na ako, eh. That’s the maximum position, eh. I think it’s fair to any politician to aspire for a higher position. To be there is another story,” saad niya.

Janine , Rayver tiis sa pandemya

Aminado si Janine Gutierrez na medyo nahihirapan silang magkita ngayon ng boyfriend na si Rayver Cruz dahil nga sa pandemic . Bukod dito ay pareho silang busy.

“Medyo kakaiba ang sitwasyon ngayon dahil puro lock-in di ba at saka siyempre, quarantine kaya hindi masyadong nakakapagkita pero mabuti naman po,” ang sabi ni Janine nang kumustahin ni Amy Perez ang kanilang relasyon sa panayam sa Sakto.

“So, ano muna, video call-video call, text-text,” dagdag pa niya.

May updating naman daw sila araw-araw sa text pero hindi raw kaya na magtawagan pa araw-araw.

“Eh kasi nga, nagte-taping din siya, tapos, ako rin, so adjust-adjust muna, tiis-tiis,” sey ng bagong Kapamilya actress.

Si Janine ang bida sa pelikulang Dito at Doon kasama si JC Santos and unfortunately, hindi na matutuloy ang pagpapalabas nito sa sinehan dahil nga sa muling pagtaas ng COVID-19. Sa halip ay mapapanood ito simula sa March 31 via streaming sa iWantTFC and KTK.ph

“Unfortunately tumaas po ulit ang cases ngayon. So we decided, TBA Studios, na for now we’ll go straight sa streaming para sa safety ng lahat. Siyempre gusto rin namin na mapanood ng lahat ng Kapamilya ‘yung pelikula. Fortunately ngayon mayroon na tayong ganitong paraan.

“So we will be streaming straight po sa iWantTFC, KTX. Mayroon tayong digital premiere diyan on March 28. Also on Ticket2Me and Cinema ’76@Home,” pahayag ni Janine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.