Abante Tonite Interactive

Vicoy hari ng tumbukan

399

Nagpakitang-gilas ang batang bilyarista na si Earl Vincent “Vicoy” Trinidad nang magkampeon sa katatapos na 2019 J&P Navigator Japan 9-Ball Cup Championships sa AMF-Puyat Bowling and Billiards Center, Superbowl sa Pasong Tamo, Makati City.

Kinalos ni 14-year-old Trinidad ang kapwa junior player na si Albert James Manas, 7-2, sa finals ng event na may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).

Bago sumalang sa championship round, kinalos ni Trinidad sina Angelo Asuncion, 6-4, sa Round of 16; Jun Cornista, 6-4, sa quarterfinal at Ding Ricohermoso, 6-2, sa semifinal.

Abante Hiring – IT dep

Para kay Manas, 12, umibabaw siya kontra kina James Torres, 6-5, Jesse Gonzales, 6-1, at Randy Dela Cruz, 6-3, ayon sa pagkakasunod at saka nakaharap si trinidad sa finals. (Elech Dawa)