Abante Tonite Interactive

Victolero, Austria ubusan ng baraha

0 376

Tulad ng nakararaming Pilipino, ginampanan din ng Magnolia Pambansang Manok at San Miguel Beer ang karapatan at responsibilidad bilang mamamayan na bumoto sa midterm election day kahapon, May 13.

Pero ‘di nangahulugan na may break sa kanilang paghahanda sa PBA Philippine Cup Finals.

Nauwi sa rubbermatch Game 7 ang series na nagtabla sa tigatlong laro pagkatapos ng 98-86 win ng Beermen sa Game 6 nitong Linggo.

“Pagka-boto namin, diretso na kami sa practice tomorrow,” sabi ni SMB coach Leo Austria.

Iba naman ang iskedyul ng Hotshots.

“Kailangan naming mag-practice,” wika ni coach Chito Victolero. “After that, tsaka kami boboto.”

Tapon na lahat sa bintana ang stats ng first six games, ang mahalaga ay ang final game ng season-opening tournament bukas, May 15, sa Big Dome rin.

Mauuwi sa kung sino ang mas determinadong manalo.

Unang namuro ang Magnolia 3-2 pagkatapos ng ga-buhok na 88-86 victory sa Game 5 mula sa buzzer-beater ni Mark Barroca. Kailangan nila muli ng adjustments para sa pukpukang decider.

Ang San Miguel, totodo rin.

“We don’t want to relinquish our title,” giit ni Austria. (Vladi Eduarte)