Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Victolero hahanap ng malaki

0 56

Naghahanap pa rin ng malaki ang Magnolia Hotshots, nakatanaw sa mga tulad nina frontliners Santi Santillan, Larry Muyang, James Laput at Ben Adamos.

Ayaw pang mag-commit ni coach Chito Victolero kung sino ang huhugutin nila sa PBA Season 46 Draft sa March 14.

No. 10 sa first round ang Hotshots mula sa Phoenix. Ipinalit ng Magnolia ang sixth pick kasama sa trade kay Chris Banchero para makuha si Calvin Abueva mula Fuel Masters.

Isinama ng Hotshots sa package ang kanilang 18th pick.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aabangan na lang daw ng Pambansang Manok kung sino ang aabot sa kanila sa 10th selection.

Binalik ng Hotshots si veteran center Rafi Reavis, binigyan din ng panibagong kontrata si back up big man Kyle Pascual.

May Abueva na sa front line na sahog kina Ian Sangalang, Jackson Corpuz at Aris Dionisio.

Isang slot ang inilalaan ng Magnolia kay veteran big Marc Pingris sakaling magdesisyon ang 39-year-old defense specialist na bumalik sa paglalaro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.