Abante Tonite Interactive

Victolero, Magnolia abangers sa buwelta ng Alaska

MAY PAGHUHUGUTAN!

By
0 370

Finals Game 2 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7 pm – Alaska vs. Magnolia
 
Inaasahan na ni Magnolia coach Chito Victolero ang balikwas ng Alaska sa Game 2 ng PBA Governors Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsumite si Romeo Travis ng 29 points, 13 rebounds at inunahan ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang Aces 100-84 sa opener Miyerkoles ng gabi sa MOA Arena.

Pero aminado ang import na ang kontribusyon ng bawat isa sa team ang nagdala sa panalo.

Pinakamaangas rito ang guards ng Magnolia na sina Mark Barroca, Jio Jalalon at Paul Lee. Nag-deliver si Barroca ng 16 points at 6 steals, may 14 markers si Lee at humarabas sa magkabilang dulo ng court si Jalalon tu­ngo sa 7 points, 12 rebounds, 9 assists at 4 steals.

“We don’t need superheroes. We don’t need anybody trying to save the team,” giit ni Travis. “We need everybody to do their jobs.” 

Inumpisahan ng Hotshots ang laro 15-0, mula roon ay hindi na lumingon at lumayo pa ng hanggang 77-56.

“This is only the start, and after tonight we need to prepare hard again tomorrow,” ani Victolero. “Another game on Friday, and again our mindset is a do-or-die (game). Just try to figure out kung ano ‘yun nagawa naming hindi maganda ngayon, and ‘yung nagawa naming maayos.”

Sa maayos, nai-convert ng Hotshots sa 31 points at napuwersang 25 turnovers ng Aces. Sa hindi maganda, may 21 errors din ang Magnolia na naging 24 points ng kabila.

Sa kabilang banda, pipigain pa ni coach Alex Compton ang kanyang Aces para magbigay ng mas matinding effort sa laro. Mula sa field ay 29 of 71 lang ang Alaska, 7 for 28 sa 3-point range.

“I said in the locker room, I felt like we gave an 85 percent effort and Magnolia gave a 100 percent effort,” anang coach. “We tried to come back and fight. You dig yourself a hole and …. just a lot of fundamental breakdown on our part.”