Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Victolero, Magnolia balik kahig sa Enero

0 161

Nakalatag na ang plano ni Chito Victolero para sa kanyang Magnolia Hotshots.

“Plano, second week of January baka balik-training na kami,” anang coach nitong Miyerkoles.

Ang hinihintay na lang ay ang abiso ng PBA kung paano ang set-up ng susunod na season, na maaring closed-circuit. Sinabi rin ni commissioner Willie Marcial na posibleng umpisahan ang susunod na calendar year ng April 9 – 46th aniiversary ng liga.

“Hindi ko pa kasi alam ang protocols ng PBA, eh. Kung papayag ba sila sa dating ginawa na apat-apat muna,” dagdag ni Victolero.

Kung hindi aniya papayagan ang agad-agad na on-court workout, sa Zoom muna nila uumpisahan.

“Siguro by first week ng January mag-ask kami sa PBA kung ano p’wedeng gawin,” dagdag niya. “You have to be ready, lalo na kung mangyari ulit ‘yun (bubble) na individually you need to prepare. Importante ‘yung preparation.”

Talo sa tatlo sa unang apat na laro sa AUF Gym ang Hotshots, nang bumalik ang porma ay tinuhog ang six straight wins at humabol sa quarterfinals bilang No. 7 seed. Kaya lang, sinipa agad ng No. 2 Phoenix sa manipis na 89-88 decision at natapos ang season, na isang conference lang dahil sa Covid-19. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.