Abante Tonite Interactive

Victolero, Magnolia pahahabain ang suwerte, ratsada pamore!

RATSADA PA MORE!

By
431

Team Standings W L

Magnolia 7 1
Ginebra 7 2
Alaska 6 2
Blackwater 6 2
Phoenix 6 3
TNT KaTropa 4 4
NLEX 4 5
San Miguel 3 4
Rain or Shine 2 4
Meralco 2 6
NorthPort 2 7
Columbian 0 9

Mga laro ngayon: (Ynares Center, Antipolo)
4:30 pm – Columbian vs. Rain or Shine
7 pm – Meralco vs. Magnolia

Abante Hiring – IT dep

Itataya ng Magnolia Pambansang Manok ang five-game winning streak laban sa Meralco sa main game ng PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo mamaya.

Sa first game ay pahahabain ng Rain or Shine (2-4) ang panalo sa tatlong sunod kontra Columbian (0-9).
Kumakapit sa tuktok ng 12-team standings ang Hotshots sa 7-1, uumpisahan nila ang hu­ling tatlong pahirapang laro kontra Bolts.

“Maganda, pero malayo pa,” ani coach Chito Victolero sa kinalalagyan ng Magnolia. “Ang big picture talaga, meron pa kaming three games. It’s very tough against Meralco, TNT and Ginebra. We just have to prepare one game at a time. Siguro habulin namin kung hanggang saan kami puwedeng manalo in preparation na rin sa playoffs.”

Huling itinumba ng Hotshots ang Alaska 83-73 noong Linggo.

Sa kabilang banda, tinapos ng Meralco ang six-game skid nang alpasan ang NLEX 108-105 noong Oct. 14 din.

Umangat sa 6-2 ang Bolts sa likod ng kabayanihan nina Allen Durham at Baser Amer na may 16 at 17 points sa fourth quarter para pangunahan ang fight-back mula 16 points down.

May tsansa pa sa playoffs ang Meralco, pero igagapang na kulang sa tao.

Out sa injury sina Ja­red Dillinger at Ranidel de Ocampo, bagsak din si veteran forward KG Canaleta na tinamaan ng hamstring injury isang araw bago ang laro kontra Road Warriors.

Tapos na ang praktis, nag-extra shooting na lang si Canaleta nang abutin ng injury.

“We still have to see what the doctors say about it,” ani Meralco coach Norman Black sa estado ni Canaleta.