Abante Tonite Interactive

Victolero nag-sorry kay Harris

503

Nag-sorry si Magnolia coach Chito Victolero sa pagsinghal kay Alaska import Mike Harris sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Linggo ng gabi.

Hindi nakontrol ni Victolero ang sarili, pumasok ng court at kinompronta si Harris sa 2:38 mark ng third quarter sa Ynares Center sa Antipolo.

Paatras si Hotshots reinforcement Romeo Travis papunta sa kabila nang matapakan ang paa ni Harris.

Lumapit si Victolero kay Harris at pinagsabihan, naawat din pero pinituhan ng technical foul.

Isinalpak ni JVee Casio ang technical free throw tungo sa 74-49 lead ng Aces.

“I’m also saying sorry to Mike because parang ‘yung moment na ‘yun …,” pabitin na sabi ni Victolero sa postgame interview. “Hindi ako nakapag-sorry kanina. But he’s a good guy.”

Itinakbo ng Alaska ang pinakatambakang panalo sa serye, 100-71, para ilapit ang best-of-seven sa 2-1.

Susubukan daw lumapit ni Victolero kay Harris para humingi ng paumanhin sa Game 4 bukas sa Smart Araneta Coliseum.