Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Victor Wood pumanaw sa COVID

0 443

Pumanaw na ang Jukebox King at OPM icom na si Victor Wood dahil sa kumplikasyon sa COVID-19. He was 74.

Ayon sa report , kinumpirma ng asawa ni Victor na si Nerissa ang pagpanaw ng veteran singer kahapon (April 23), 9am sa New Era General Hospital.

“Bumaba ang oxygen level niya last night,” pahayag ni Nerissa sa ABS-CBN.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang misis ni Victor sa lahat ng nagmahal sa singer ganundin sa Iglesia ni Cristo community sa pagtulong sa kanila.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal kay Victor Wood, at sa pamamahala ng INC para sa amin,” Nerissa said.

“Sa mga kaibigan na laging andyan at sa mga anak niya na kahit malayo ay karamay ko at sa mga fans, salamat sa walang sawang suporta. Nawala man siya, mananatili ang kanyang mga kanta,” saad ni Nerissa.

Matatandaang sumikat si Victor noong dekada 70 sa mga awiting “In Despair,” “Mr. Lonely,” “I’m Sorry My Love,” “I Went to Your Wedding,” “Fraulein,” “Eternally,” “Carmelita” at marami pang iba.

Gumawa rin siya ng pelikula with Nora Aunor, Djoanna Garcia, at iba pang leading ladies.

Sinubukan din niya ang politika noong 2007 at tumakbo bilang Senador ngunit hindi siya pinalad na manalo.

Sarah humirit ng baby #3 kay Richard

Humihirit ng baby no. 3 si Sarah Lahbati kay Richard Gutierrez. Ito ang birong sagot ng aktres sa Instagram post ng kanyang mister na talaga namang ikinaaliw ng netizens.

Nag-post si Richard ng larawan nila ni Sarah in swimsuit at nasa pool. Nakakakilig na caption ng aktor, “still crushing on you, even though we’re together, married, and have two kids.”
Sumagot naman si Sarah ng “baby #3 just kiddinggggggg i love you.”

Aliw na aliw ang netizens at um-agree naman kay Sarah sa additional baby since wala pa silang babaeng anak.

“Omg! Baby girl soon ate Sam,” ang komento ng isang netizen at halos lahat ay ganito rin ang comment.

As we all know ay may dalawa nang anak na lalaki sina Richard at Sarah, sina Zion (8 yrd old) at si Kai (3 yrs. old).

Leave A Reply

Your email address will not be published.