Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Victoria Tower-Acuzar kinulong 2 frontliner

0 476

Niligtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang nurse sa Victoria Towers condominium sa Timog, Quezon City, na iligal umanong kinulong at pinabantayan sa guwardiya ng establisimyento sa kabila ng patunay na ligtas sila sa COVID-19.

Ayon kay NBI- Special Action Unit Chief Emeterio Dongallo hindi pinayagan ang dalawang biktima na makalabas sa kanilang unit kahit pa may clearance at health certificate ang mga ito mula sa city doctor at umapela na rin ang opisyal ng barangay sa pamunuan ng gusali.

Dahil sa paglabag umano sa kanilang Karapatan, plano ng mga biktima na magsampa ng reklamong illegal detention laban sa management ng Victoria Towers, na pag-aari ni New San Jose Builders Inc. Chairman Jose Acuzar.

“Every time we try to leave our units just to pick food or package from the lobby, they security guards physically blocked our paths. We were treated like criminals,’’ sabi ng biktima sa Abante Tonite.

Kwento niya, dumadaan sila sa swab test kada tatlong araw bilang protocol ng ospital na kanyang pinagtatrabahuan, at nagnegatibo umano siya dito.

Dinala sa NBI headquarters ang dalawang security guard na nagbantay umano sa dalawang frontliner at ang property manager na si Mel Tosco. Depensa ng guard, “Palagi kaming sinasabihan ng supervisor namin na kami ang mananagot kapag makalabas ‘yung nurses sa 9th floor.” (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.