Abante Tonite Interactive

#VictorMagtanggol Ang Simula trending sa Twitter

4,034

tonite-this-is-it-roldan-castro

Ipinakilala na nga ka­­gabi ang pinaka­ba­gong tagapag­tang­gol sa GMA Te­lebabad–si Victor Mag­­­tanggol. And true enough, pinagbunyi ito ng mga manonood dahil nabighani agad sila sa pang-world class na mga special effects na ipinakita sa serye at siyempre sa bigating cast ng telefantasya na pinangungunahan ni Alden Richards.

Sa social media, maaga pa lang ay trending at usap-usapan na agad ang pagsisimula nito pag­katapos ng 24 Oras. Masaya sila sa pagbabalik ng Pambansang Bae sa primetime dahil hindi raw sila nabigo sa pag-aabang. Talagang pi­naghandaang mabuti ang lahat ng aspekto ng programa.

Humanga rin sila sa pagiging unique ng istorya nito kaya naman looking forward din sila sa mga challenge na kakaharapin ni Victor kapag napasakanya na ang Mjolnir at nag-transform bilang si Hammerman.
Congratulations Alden­!
***

Liza, Janella, Anne wagi sa puso ng Clique V

Humahataw ang Clique V ng 3:16 Events and Talent Management Company managed by Len Carrillo. Habang tumatagal ay lalo silang humuhusay sa pagpe-perform sa stage. Pinatunayan nila ito sa blessing ng opisina ng Abante Tonite, TNT at Abante. Hini­ngan sila ng more.

Ang Clique V ay binubuo nina Marco, Karl, Rocky, Sean Josh, Clay, Timmy, Blaize, Kaizer. Nang tanungin kung sino ang showbiz crush nila, karamihan sa mi­yembro ay si Liza Soberano sa puso nila. May isa naman na ang pinili ay si Janella Salvador at ‘yung isa ay si Anne Curtis. Pangarap nila na makasama sa proyekto ang mga nabanggit na aktres.

Kontento ang Clique V sa nangyayari sa career nila. Pagkatapos i-release ang kanilang album, MTV at nagkaroon ng concert sa Music Museum, sumabak naman sila ngayon sa pelikula na may tentative title na ‘Co-Dep’. Ito ay idinirek ni Neal Tan.

Hindi naman sumakit ang ulo ni Direk Neal dahil sumabak ang Clique V sa acting workshop sa PETA.
Bongga ang Clique V dahil kahit abala sa mga showbiz commitment pra­yoridad pa rin nila ang pag-aaral.

Binibigyan nila ito ng oras. ‘Yun din ang gustong mangyari ni Ms. Len na ‘wag pabayaan ang pag-aaral nila.
Talbog!
***

Marshy pang-derby ang kaseksihan

Panlaban ng Gui­guinto, Bulacan si Marshy Chaudhry sa Miss Global Philippines 2018. Panis ang kagandahan at kaseksihan ng ibang kandidata sa kanya na pang-derby talaga.

Siya ay isang Filipina-Pakistani at graduate ng Bache­lor of Science in Nursing. She dreams to be an inspiration by giving hopes to the unwell. She joins pa­geant to portray a purposeful role of a beauty queen.
***

ABS-CBN TVplus may limang bagong channel

Mas marami na ang mapagpipi­lian na mga prog­rama ang pamil­yang Pilipino dahil may handog ang ABS-CBN TVplus, ang unan­g digital terrestrial television (DTT) service sa bansa, na limang bagong channel sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, at Metro Cebu simula kahapon, Lunes, Hul­yo 30.

Dagdag sa channel lineup ng ABS-CBN TVplus ang dalawang bagong exclusive channel na Asianovela Channel at Movie Central na may kasama pang MYX, Jeepney TV, at O Shopping.

Permanenteng magi­ging libre ang O Shopping na isang home TV shopping channel, samantalang naka-free trial naman ang apat.

Ang Asianovela Chan­nel ang una at natatanging channel sa digital free TV na handog ang iba’t ibang uncut classic at blockbuster Asian dramas at movies na naka-dub sa Filipino.

Ipapalabas sa bagong channel ang mga popular at award-winning na TV series tulad ng ‘Goblin’, ‘Love in the Moonlight’, ‘Sensory Couple’, at marami pang iba.

Ang Movie Central naman ang first all-English movie channel ng ABS-CBN na ekslusibo sa TVplus na maghahatid ng biga­ting mga Hollywood blockbuster mula sa iba’t ibang movie genre kabilang na ang action, drama, comedy, at romance.

Tahanan na rin ng Jeepney TV ang ABS-CBN TVplus para matunghayan ng mga pa­milya ang mga classic Kapamilya show na tumatak sa kanilang puso. Bukod dito, may daily catch-up viewing din ng same-day episode sa Jeepney TV ng ‘Magandang Buhay’, ‘It’s Showtime’, at ‘ASAP’.

Tiyak din na magu­gustuhan ng mga music lover ang MYX, ang numero unong musi­c channel sa buong ban­sa, dahil sa mga OPM at international music video nito na ipinapa­labas 24/7.

Posible na rin na ma­kapamili ang mga TVplus user sa kanilang tahanan dahil sa O Shopping na may ma­raming tampok na produkto.