Abante Tonite Interactive

Victory Mall sa Caloocan nasunog ulit

By
0 150

Muling sumiklab ang sunog sa loob ng Victory Mall na matatagpuan sa Rizal Avenue, Monumento, Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga.

Ang nasabing sunog sa mall ay pangatlong beses na.

Sa ulat ng Caloocan City-Bureau of Fire Protection (BFP), alas-11:30 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy sa unang palapag ng gusali ng mall sa mismong McDonald’s branch doon.

Agad na nabalot ng makapal na usok ang buong mall na umabot hanggang sa Monumento Station ng Light Rail Transit (LRT) at ma­ging sa ilalim na kalsada nito na naging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko.

Mabilis din namang naapula ang apoy na pumalo lang sa unang alarma. Idineklara itong fire out ganap na alas-12:00 pasado ng tanghali.

Sa unang pagsisiyasat ng mga awtoridad ay faulty electrical ­wiring ang naging dahilan ng sunog. Ito rin ang na­ging sanhi ng nakaraang dalawang sunog sa nasabing mall.