Abante Tonite Interactive

Victory party ng mambabatas binalot ng luha

597

Imbes na magsaya sa victory party, binaha ng luha at hinagpis ang pagtitipon ng mga miyembro ng partido na pinamumunuan ng isang mambabatas.

Kanya-kanyang reklamo kasi ang mga lokal na opisyal nag-abono sila sa nakaraang halalan.

Imbes na makatanggap kasi ng pondo mula sa partido, sila pa ang nag­labas ng pondo.

Wala namang maisa­got ang mam­babatas sa karaingan ng mga lokal na opisyal.

Kaya imbes na magsaya ang mga bisita, naglasing na lamang ang iba upang makalimot sa inabonong pondo na hindi na mababalik.

Clue. Ang mambabatas na binaha ng reklamo sa pondo ay guwapo ang tingin sa sarili. May letrang P sa kanyang pangalan, as in Pera.