Abante Tonite Interactive

Video game prize ng mga netter para sa COVID-19

389

Bitaw muna sa raketa at controller naman ang mamaster-in ng mga sikat na tennis player habang nakatengga sila sa kanilang mga pamamahay dulot ng COVID-19 crisis.

Ito ay matapos magkasundo ang mga tenista na idaan sa video game ang pagbibigay nila ng donasyon para sa mga biktima ng coronavirus disease.

Ang kompetisyon na isasagawa sa online sa petsa ng Madrid Open sa Abril 27-30.

Ang mananalo ay magkakamal ng €150,000 euros o katumbas ng mahigit P8.2 million sa clay-court tournament. Idodonasyon ito sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Bukod pa rito ang karagdagang €50,000 o lampas P2.7M ang magiging pang-ayuda naman para sa mga lumalaban sa nasabing virus.

Iaanunsiyo sa mga susunod na araw ng organizer ang mga napiling maglalaban-laban sa nabanggit na “world’s biggest tennis stars squaring off from their own homes.” (ADE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad