Abante Tonite Interactive

Video karera, fruit game kinumpiska sa Pasig

208

Dahil sa mga nata­tanggap na report na talamak ang video karera machine ay nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad sa mga barangay sa Pasig City.

Alas-9:15 ng gabi (Disyembre 6), sa ginawang raid ay nakakumpiska ang mga operatiba ng Pasig City Police ng dalawang Video Karera at isang Fruit Game machine sa Gabriel at Tawiran Masagana St., Brgy. Santolan.

Bukod dito ay sinamsam din ng mga awtoridad ang mga barya na nagkakahalagang P316.00.

Wala namang may-ari at mga naglalaro sa mga video machine ang naaresto nang isagawa ang pagsala­kay.

Ang pagsalakay ay base na rin sa unang marching order ni Police Brig. Gen. Debold Sinas na ‘No Take Po­licy’ nang umupo ito bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief. (Dolly Cabreza)