Abante Tonite Interactive

Video ng Pink Mannequins, Gorgeous Boys trending

338

NI: Ronaline Avecilla

Jam-packed, full-packed at perfect combo.” Ganyan kung isalarawan ang mas pinabago at pang-millennial na show ng The One 690 Entertainment Bar na matatagpuan sa Roces Ave., QC. Talaga namang to the highest ang level ng bagong format ng show at pinag-isipan ng owner na si Wilbert Tolentino katuwang si Mami ­Genesis Gallios.

Talagang malulula ka sa inihanda nila na 24 production numbers at kada labas ay may iba’t ibang tema.

Sa paglabas ng mga performers na Pink Mannequins at Gorgeous Boys, mamamangha ka sa ganda ng costumes, galing sa pagsayaw at pagli-lip sync ng bida.

Kada production ay dinadala ang mga audience sa panahon ng kanilang show. Katulad ng paleolithic era, 80’s days, neon lights, futuristic, at marami pang iba.

Sa ngayon, trending ang viral video ng production number nilang ‘Raining Men’ na kinunan sa labas ng The One 690. Madaling-araw kinunan ‘yun na umarkila pa sila ng ambulance para magkaroon ng artificial rain.

Ang higit na mas nagpadagdag ng aliw ay ang mga standup comedian na nagpahalakhak sa mga manonood. ­Talagang swak na rin sa kababaihan ang mga bagong show ng The One 690. Ang dating gay bar na kinagi­gilawan ngayon ay entertainment bar na para sa people of all gender. Maging ang bridal shower party nga ay bonggang ganapin dito.