Abante Tonite Interactive

Video ni Alex trending sa YouTube

647
tonite-pak-allan-diones

Ang taray ni Alex Gonzaga, siya ang nagrereyna ngayon sa mga artistang may YouTube channel.
At ang bongga kay Alex, kahit kung anik-anik na mga kalokahan at kabaliwan lang ang i-upload niya sa YouTube ay pinapanood talaga ng mga netizen.
As in milyon-milyon ang mga view ng videos ni Alex, na ibig sabihin ay enjoy ang mga tao sa kanya at interesado ang mga ito sa buhay niya.
Kamakailan lang ay nag-#1 trending video sa YouTube Phi­lippines ang music video niyang “Chambe” na nakakaaliw ang dance moves na pinauso niya.
Sobrang benta si Alex, na pati ang Ate Toni niya, Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay sinasali niya sa mga video niya kaya lalo itong patok sa mga viewer.
3.5 million views na ang “Chambe” na may special participation din ang boyfie ni Alex na si Mikee Morada, pati na ang pamangkin niyang si Seve na ang cute-cute sumayaw.
Ngayon ay ang dami nang sumasagot sa hamon ni Alex ng #ChambeDanceChallenge.
Reynang-reyna si Alex sa YouTube sa kanyang 2.1M+ subscribers na parang ang hirap maabutan ng ibang mga celebrity.
Actually, kahit mawalan ng raket sa showbiz si Alex, sa YouTube channel lang niya ay malaki ang kikitain niya. Ganu’n siya kabongga!

Maine, Kris dinaig sa YT channel

Parami nang parami ang mga artistang may YouTube channel. After Facebook, Twitter at Instagram, parang sa YT naman sila ngayon magpaparamihan ng subs­cribers.
Kung may 2M subs si Alex Gonzaga, ang model at travel blogger na si Wil Dasovich ay may 1.5M.
In fairness sa mga bagets na si Andrea Brillantes, meron itong 882K subs, habang ang isa pang bagets na si AC Bonifacio ay 745K ang subscribers.
Ang chef at food blogger hubby ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ay 725K ang subs. Si Yeng Constantino na ang sipag mag-upload ng mga video ay may 662K subs, habang ang singer-actress na si Kristel Fulgar ay may 530K.
Si Michael Pangilinan ay 491K ang subs. Ang online cooking show ni Judy Ann Santos na Judy Ann’s Kitchen ay may 428K subscribers.
Si Moira dela Torre ay may 424K subs. Ang nakakaaliw na Bitoy Story ni Michael V ay 383K na ang subscribers kahit 16 vids pa lang ang naa-upload ni Bitoy.
Si Heart Evangelista na kailan lang nagsimulang mag-YouTube ay 341K na ang subscribers sa kanyang Love Marie Escudero channel.
Ang The Aquinos channel ni Kris Aquino ay 332K ang subs. Si Barbie Forteza ay merong 252K subs kahit anim pa lang ang videos nito.
Si Solenn Heussaff ay 243K ang subs, habang ang inactive na si Maine Mendoza ay 207K ang subs kahit 2 years ago na ang huli nitong video.
Meron na ring YT channel ang Team Dantes nina Dingdong, Marian at Zia with 53K subs, na tatlo pa lang ang videos, na bida si Zia at ang gender reveal ng upcoming baby boy ng DongYan.
Nasa YouTube na rin sina Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Pops Fernandez, Mark Bautista, LJ Reyes, Sanya Lopez & Jak Roberto, Darren Espanto, Robi Domingo at marami pang iba.

Sam, Gwen, Semerad twins nag-double date

Common practice na sa mga showbiz couple ang burahin ang mga photos nila together sa social media once na mag-break sila.
As in tinitiyaga talaga nilang i-delete isa-isa ang sandamakmak na pics para wala nang trace ng ex nila sa Instagram feed nila.
Ang latest na nagburahan ng couple pics sa IG ay sina Jeremy Marquez at Gwen Zamora, na nagbalak nang magpakasal noon pero hindi natuloy at ngayon ay hiwalay na.
Deleted na maging ang pics nina Jeremy at Gwen sa Iceland, na dinayo nila together nu’ng panahong super-inlabey pa sila sa isa’t isa.
Ang hunky model at basketball player na si David Semerad ang bagong boyfie ni Gwen.
Tila ang hilig ni David sa Gwen dahil ex nito si Miss World Philippines 2011 Gwendoline Ruais. Engaged na rin noon sina Dave at Gwen, but like Je­remy and Gwen ay hindi rin natuloy ang kanilang kasal.
Si David ‘yung mas maraming tattoo sa Semerad twins. Ang kakambal nitong si Anthony ay girlfriend naman ngayon si Sam Pinto.
Nag-double date slash vacation sila recently sa Australia kung saan na-meet nina Gwen at Sam ang mga magulang ng Semerad brothers. So, may meet the pa­rents nang naganap.
Matagal na nakarelasyon ni Anthony si Andrea Bien bago naging sila ni Sam recently lang.
Si Sam ay mahigit 2 years naging boyfriend ang Azkals hunk na si Misagh Bahadoran.
Kapag naghiwalay ang mga ito ay asahan n’yong may burahan ng pics din na magaganap. PAK!