Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Video sa kinidnap na POGO worker hawak ng CIDG

0 112

IPINAKITA ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang video ng kidnap victim na si Lyu Long, isang Chinese National at POGO worker na naunang inireport na nakidnap bago mag-Pasko sa San Pedro, Laguna.

Sa video, makikita na inuutusan pa siya ng kidnappers na kapwa Chinese para saktan niya ang sarili. Pinupwersa ng mga suspek ang mga kaanak at amo sa trabaho ng biktima na magbayad ng ransom.

Pero noong nagdaang linggo, natagpuan ng mga pulis ang kanyang bangkay sa isang bangin sa Talisay, Batangas.

Nitong Enero 7, ikinasa ng pulis ang operasyon kasama ang Anti-Kidnapping Group, at naaresto ang pitong kidnapper sa entrapment operation habang tatanggapin ang ransom. Nasamsam sa mga ito ang mga baril at bala.

“Modus ng grupo na iyo they will pretend to apply as POGO workers sa Pilipinas, at pag may nakitang kakilala sa POGO inaabduct at pinatutubos for exchange of release of victims,’ sabi ni Dimaandal.

Na-rescue ang isa pang babaeng biktima na si Liu Xue Xue o mas kilala bilang Meng Mo.

Arestado din ang nagsilbing driver ng grupo na si Nicanor Pintes.

Mahaharap sa kasong abduction, rape, serious illegal detention at illegal possession of firearms ang mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.