Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Videoke i-ban! Istorbo sa WFH, online class

0 64

Hinimok ng isang labor group na ipagbawal ang videoke para iwas istorbo sa mga work-from-home, online class

Ayon kay Associated Labor Unions (ALU) Trade Union Congress of the Philippines spokesperson Alan Tanjusay ngayong nasa gitna pandemya at sa bahay sinasagawa ang mga klase ng mga mag-aaral gayundin ang trabaho ng ilang manggagawa, kailangan umanong pagbawalan ng lokal na pamahalaan ang mga videoke.

Ayon kay Tanjusay perwisyo ang dulot ng ingay ng videoke para sa mga nag-aaral o nagtatrabaho sa kani-kanilang tahanan. “Bawas stress din ang matahimik na lugar sa mga manggangawa at mga online students and teachers dahil hirap na nga silang makakuha ng signal ay dadagdagan pa ng ingay ng videoke o karaoke kaya malaking tulong po ang ganitong panukala,” aniya sa isang panayam. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.