Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Videoke sa Antipolo nilimitahan

0 38

Nilimitahan na rin ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang mga sesyon ng videoke kasunod ng pagbubukas ng klase.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, maaari na lang mag-videoke mula alas-6:00 hanggang alas-9 ng gabi. Aniya, ito’y para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapag-aral nang tahimik. Malaking tulong din ito umano ito sa mga naka-work from home.

Ang mga hindi susunod ay papatawan ng P1000 multa sa unang paglabag hanggang P5000 naman sa ikatlong paglabag na may 6 buwang pagkakakulong.

“Kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong buwan, (bukod pa po sa mga work from home nating mga kababayan), pinapaalalahanan po ang lahat na meron po tayong umiiral na bagong ordinansa patungkol sa operation hours o paggamit ng videoke sa ating lungsod,” ayon sa alkalde.

Nilinaw naman ni Mayora Ynares na para sa mga business establishments na nasa commercial zone papayagan lamang ito kung ito ay enclosed at soundproof.

Leave A Reply

Your email address will not be published.