Abante Tonite Interactive

Viernes nilublob ang Iloilo

117

Kumarga si Jeff Viernes ng 14 points at 12 rebounds upang wakasan ng Batangas City Athletics ang three-game slide, winasiwas ang Iloilo United Royals,­ 65-55, sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Season 2019-2020 Huwebes sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Nakatuwang ni Viernes sina Jason Melano at Roldan Sara na nakatig-10 markers upang iresbak ang Batangas na sumampa sa 14-10 win-loss ang kartada sa Group B South Division ng Batangas na tama para sa ikapitong puwesto.

“Natuto lang kami dun sa last three games namin dahil puro crucial and crunch moments dun kami nag-ko-collapse,” ani Viernes. “Minaintaim lang namin yung focus namin, sumunod kami sa game plan.”

Nasayang naman ang 16 puntos ni ex-pro Al Francis Tamsi sa Iloilo para sa ikalawang dikit na taob at gulong sa pampito sa 15-10.

Ang iskor:

Batangas 65 – Viernes 14, Melano 10, Sara 10, Suerta 9, Santos 8, Olivares 4, Eguilos 4, Rogado 4, Grimaldo 2, Koga 0, Bragais 0.

Iloilo 59 – Tamsi 16, Publico 10, Escoto 8, Pedrosa 6, Mahari 6, Jeruto 5, Prado 4, Racho 2, Parker 2, Rodriguez 0, Arambulo 0, Gumaru 0. (Aivan Denzel Episcope)