Abante Tonite Interactive

Vietnam kampi sa Pilipinas sa WPS dispute — Locsin

263

Lumalaban ang Pilipinas kontra sa China sa mga bagay na kinakailangan, ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin.

Aniya, walang palya ang Pilipinas sa paninindigan sa China, kabilang na dito ang sea dispute sa South China Sea, o kinikilala sa bansa na West Philippine Sea, at sinaad pang kinakampihan ang bansa ng Vietnam.

“We stand up to China in the things that matter without fail and are acknowledged by Vietnam as the lead in the South China Sea disputes,” ayon sa tweet ni Locsin.

Sabi ito ni Locsin sa isang tweet kung saan kinumpara ang impeachment case ni US President Donald Trump sa relasyon ng Pilipinas at ng China.

“In the US impeachment case, you have knowledg­e (facts) on one side and Republicans on the other. Same in the PH for the drug war. And for the China relationship, come to think about it,” ayon sa isang netizen. (Raymark Patriarca)