Abante Tonite Interactive

Vietnam patuloy ang suplay ng bigas sa ‘Pinas

394

Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na patuloy ang ipinangakong suplay ng bigas ng Vietnam sa Pilipinas, kabilang ang 300, 000 tonelada sa ilalim ng umiiral na bilateral trade agreement.

Ayon kay Dar, nakatanggap siya ng liham mula kay Deputy Minister Le Quoc Doanh ng Vietnam’s Ministry of Agriculture and Development at tiniyak ang ipinangako ng Hanoi na tutuparin ang umiiral na ‘supply contracts’ sa Philippine importers.

“The government of Vietnam always considers rice trading with the Philippines is not only of economic importance, but also of significance for our good diplomatic relations between the two nations,” nakasaad sa liham, ani Dar.

Nitong nakaraan ay sinabi ni Dar na umaabot sa 1.38 million tons ng bigas na inimport ng Philippine traders ang hindi nai-deliver, kabilang ang 1.25 million tons na inorder sa Vietnam.

Nitong Martes ay sinabi ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na kailangang magbenta ng bigas ng kanilang bansa subalit kontrolado ang kanilang pag- exports upang matiyak ang ‘food security.’

Iginiit naman ni Dar sa mga kaalyado na higpitan ang ‘domestic supply’ dahil maraming bansa ang naka-locked down upang masawata ang paglaganap ng COVID-19.

“Le also said that Hanoi is also working on possible governmental agreement with Manila on rice trade,” base sa statement ng kalihim ng DA. (Dolly B. Cabreza)

Tonite – Wendys Inhouse Ad