Abante Tonite Interactive

Vietnamese chesser plakda kay Racasa

180

Sinagasaan ni Pinoy woodpusher Antonella Racasa ang pangatlong sunod na panalo matapos pisakin si Nguyen Ha Khanh Linh ng Vietnam sa ninth round ng Under-12 Girls division ng World Cadet Chess ­Championships na ginaganap sa Yujing Hotel sa ­Weifang, Shandong, China Biyernes ng gabi.

Nakalikom si Racasa, 12, ng pitong puntos matapos ang sa 52 moves ng London System Opening upang sumalo sa fourth place kasama si No. 4 seed WCM Alexandra Shvedova ng Russia.

Makakalaban ni Racasa sa 10th at penultimate round si No. 2 seed Ruiyang Yan ng USA, kailangan manalo ng Pinay upang manatiling malakas ang tsansa sa asam na korona.

“I hope that Antonella Berthe can maintain her momentum going to the last two rounds,” saad ni grandmaster Rogelio Antonio. (Elech Dawa)