Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vietnamese kinulong sa pagkakalat ng COVID

0 76

Isang 28-anyos na lalaking Vietnamese ang hinatulan ng pagkabilanggo sa loob ng limang taon dahil sa lantaran umanong paglabag sa mga protocol upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Nabatid na walong indibidwal ang nahawa ng coronavirus ng akusadong si Le Van Tri at isa sa mga ito ang nasawi.

Bumibiyahe umano si Tri gamit ang kanyang motorsiklo mula sa Ho Chi Minh City papunta sa kanilang bayan sa Ca Mau at nagsinungaling sa kanyang travel history bukod pa sa hindi rin sinunod ang protocol para sa quarantine.

SM food to go Banner Ad

Nadiskubre kalaunan na positibo si Tri sa COVID at nalaman pa na nahawa nito ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Bukod sa pagkabilanggo ay pinagmulta rin ng korte si Tri.

Leave A Reply

Your email address will not be published.