Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villanueva: Department of Migrant Workers plantsahin

0 38

Nagbabala si Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa Transition Committee na magtatag sa Department of Migrant Workers (DMW) na gawing mabilis ngunit maayos ang mga susunod na hakbang para gawing fully constituted ang bagong ahensya.

“The Transition Committee should aim for a speedy and orderly turnover of functions to the DMW during the transition period, while making sure that there are no interruptions to OFW services. Makakasagabal sa kabuhayan ng ating mga migrant worker ang anumang kaguluhan, kalituhan, o pagkaantala sa transition period na ito,” sabi ni Villanueva.

Inihayag ito ng senador matapos maglabas ng kautusan ang DMW na bawiin ang deployment ban ng mga overseas Filipino worker sa Saudi Arabia na taliwas sa utos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

SM food to go Banner Ad

Sinabi rin ni Villanueva na hindi dapat muna maglabas ng mga kautusan o direktiba ang DMW tungkol sa mga deployment ban habang hindi pa fully constituted ang departamento.

Ayon sa Republic Act No. 11641 o Department of Migrant Workers Act, kailangan ng DMW secretary na konsultahin muna ang Advisory Board on Migration and Development at ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago magdesisyon tungkol sa kahit anong deployment ban. Mangyayari lamang ito kung fully operational na ang DMW.

Sinabi pa ng senador na maaaring gamitin ng mga illegal recruiter at fixer ang mga nakakalitong direktiba lalo na tungkol sa deployment ban para manloko ng mga OFW.

“The transition period compounds a very delicate time for our migrant workers. Direktang apektado na ang sector sa pagpasok ng bagong administrasyon, apektado pa sila ng mga global event gaya ng pandemic at alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Let’s get our act together for our OFWs,” sabi ni Villanueva. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.