Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villanueva sa gamot, agham pang-atleta

0 29

Gaganapin ang Philippine Sports Commission National Sports Summit 2021 final session sa Miyerkoles kasama si Dr. Pilar Elena Villanueva na tatalakayin ang importansiya ng PSC Medical Scientific Athletes Service (MSAS) Unit para sa mga miyembro ng national team at sa sports.

Isang PSC medical consultant, ieesplika ng doktora ang serbisyong ibiniigay ng MSAS at aktibong kasangga ng mga national athlete at coach sa ilalim ng advanced sports science development at sa sports sa bansa.

“We want our stakeholders to understand what we do and impart these services and learnings to them, especially in the field of sports science, as we near the end of the first phase of the Summit,” pahayag Lunes ni PSC Chairman William Ramirez.

Pinasalamatan din ng sports agency chief ang mga kalahok sa unang yugto ng Summit, “It has been a fun and fulfilling journey since the NSS started and successfully reached different sports educators, sports local executives and stakeholders.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.