Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar: Agriculture-Dar suki ng scam

0 88

Kinuwestyon ni Senador Cynthia Villar ang tanggapan ni Department of Agriculture Secretary William Dar dahil sa umano’y palagi itong nai-scam sa pag-procure ng mga inorganic fertilizer.

Sa Senate hearing ng mungkahing P86.3 bilyong budget ng DA para sa 2021, napuna umano ni Villar na ang pondo para sa Bureau of Soils and Water Management ay naging P596 milyon mula sa P1.6 bilyon.

SM food to go Banner Ad

“Bakit ang dami niyong budget sa inorganic fertilizer ayaw niyong bigyan ng chance ang organic fertilizer na mag-improve sa bansang ito? Parang mali naman ‘yun,” sabi ni Villar.

“Samantalang ‘di naman popular ‘yang fertilizer na ‘yan, palaging may fertilizer scam. Eh di bawasan niyo ‘yan at i-encourage ninyo ang mga tao na gumawa ng sarili nilang fertilizer para nababawasan ang fertilizer scam,” dagdag nito. “Palagi naman kayong nai-scam doon bakit gusto niyo doon?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.