Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar binira ng Baguio bishop sa putol pine tree

0 219

Hindi katanggap-tanggap para sa isang obispo ng Simbahang Katolika ang aniya’y “mass killing” ng kompanya ng bilyonaryong si dating Senador Manuel Villar sa mga puno sa Baguio City.

Kaugnay ito sa napaulat na pagsibak ng Vista Residences Inc. sa 54 pine tree para sa condominium project nito sa lungsod.

“The Diocese of Baguio strongly opposes and considers as unacceptable the continuing mass killing of full grown and healthy trees,” wika ni Baguio Bishop Victor Bendico sa isang pahayag.

Dagdag niya, labag aniya ang pagputol sa mga puno sa doktrina ng Simbahang Katolika na alagaan ang kalikasan.

Pagbabalewala rin aniya ito sa paglaban ni Bishop Emeritus Carlito Cenzon para mapangalagaan ang mga pine tree sa Baguio.

Una nang tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dumaan ang kompanya sa wasto at istriktong proseso ng pagkuha ng mga dokumento para tabasin ang mga puno.

Pinabawasan din ang mga puputuling puno ng kompanya, at sumang-ayon ang property owner sa hiling ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na mula 100 ay gawing 200 ang itatanim na punla sa kada sinibak na puno. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.