Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar hugas-kamay sa imported rice

0 16

Binuweltahan ni Senador Cynthia Villar ang Federation of Free Farmers (FFF) kasunod ng alegasyon ng kawalan umano nito ng aksiyon at pagsuporta sa Executive Order 135 na nagbaba sa buwis ng imported na bigas.

Sa ilalim ng EO na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 15, ibinaba nito ang taripa sa bigas sa 35% mula sa dating 40% para sa in-quota at 35% mula sa dating 50% para out-quota.

Sa kanyang liham sa FFF, sinabi ni Villar na masugid siyang tagasuporta ng local agricultural industry at laging niya tinitingnan ang kapakanan ng mga magsasakang Pilipino.

“By alleging that I have remained silent and thus supports the lowering of tariff on rice is unacceptable,” sabi ni Villar.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang sinabi ng FFF na kinontra ni Villar ang panukalang tariff cut sa pagdinig ng Tariff Commission noong Pebrero 4.

Depensa ni Villar, nagbigay umano siya ng kanyang posisyon laban sa EO sa ilang mga pagdinig at pagpupulong kasama si Agriculture Secretary William Dar at iba pang opisyal ng ehektibo subalit wala siyang nagawa.

Tungkol naman sa Senate Resolution No. 726 na humihikayat sa Pangulo na bawiin ang EO 135, na inihain ng mga minority senator, sinabi nitong hindi naman matalakay sa kanyang pinamumunuang Senate committee on agriculture dahil napunta ito sa committee on ways and means.

“I want to reassure our rice farmers that I will continue to take into the highest consideration their welfare in the exercise of my functions,” sabi pa ni Villar.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.