Abante Tonite Interactive

Villar ignorante sa coal power plant

416

Kinondena ng mga ‘green advocate’ o anti-coal group ang pahayag kamakailan ni re-electionist Senator Cynthia Villar na sinusuportahan nito ang pagpapatayo ng coal-fired power plant sa bansa.

Ayon kay Bishop Gerry Alminaza ng Diocese of San Carlos City, hindi nila inaasahang marinig ang naturang pahayag mula kay Villar na siyang chairperson ng Senate committee on environment and natural resources, sa kabila ng maigting na pagtutol laban sa nasabing proyekto ng mga pamayanan at simbahan.

“Her declaration revealed her gross ignorance and incompetence as chairperson of the committee and her lack of foresight, vision and care for the environment,” pahayag ni Bishop Alminaza.

“For her to say that coal-fired power plants are very attractive to poor countries, like the Philippines, because they produce cheaper power shows how out of touch she is,” dagdag ng obispo.

Ginawa pang halimbawa ni Bishop Alminaza ang lalawigan ng Iloilo kung saan may tatlo o apat na coal-fired power plant aniya pero ito ang may pinakamahal na power rate sa Pilipinas kung hindi man sa buong Asya.

“Coal being the cheaper energy source for ‘poor countries’ according to Villar is a blatant lie,” pahayag naman ni Gerry Arances, executive director ng Center for Energy, Eco­logy and Development.

Binigyang-diin ni Arances na inabandona na sa ibang bansa ang pagpapatayo ng coal-fired power plant dahil sa “financial risk and environmental cost nito” at sa halip ay isinusulong ang renewable ener­gy bilang pinakamurang source ng enerhiya.

Pinahayag naman ng green advocate na si Jun Mojica, na sa halip magsalita aniya ang senadora para sa interes ng kaligtasan ng kapaligiran at mga tao ay nanindigan pa ito para suportahan ang coal-fired power plant.

Hiningan ng pahayag ng Tonite ang tanggapan ni Villar hinggil sa isyu laban sa kanya ng mga green advocate at tumugon naman ang kampo nito pero inihayag na kanila pang bineberipika ang eksaktong sinabi ng senadora tungkol sa usapin sa coal power plant.