Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar kaya paikutin ng mga congressman – Lacson

0 128

Duda si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na kakayanin ng tanggapan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pressure at impluwensiya ng ilang mambabatas na sangkot sa diumano’y korapsiyon sa kagawaran.

Pahayag ni Lacson nitong Linggo, may kapangyarihan ang kalihim ng DPWH na magtalaga ng mga personnel sa kanyang departamento, kabilang na ang mga district engineer maliban kung ito’y ipauubaya niya sa mga regional director o mismong Malacañang ang magbibigay minsan ng assignment.

“We also know that district representatives almost always use their influence in having their “favorite” district engineers assigned to their districts for a very obvious purpose: to have full control in the implementation of their “pet projects” funded by their insertions in the annual General Appropriations Act (GAA),” ani Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lacson, kahit pa sabihin ni Villar na ginawa niya ang lahat para huwag mahaluan ng politika ang ilang proyekto ng gobyerno, hindi nito kaya ang pressure mula sa mga mambabatas na magtalaga ng kanilang paboritong district engineer para ipatupad ang “pet project” nila.

“The question is, can the DPWH Secretary stand up to the pressure exerted on him by the congressmen? As we already know, the answer is obviously no,” ani lacson.

Kahit itanggi pa umano ito ni Villar ay walang maniniwala sa kalihim.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.