Abante Tonite Interactive

Villar minumulto sa mga ininsultong nurse

1,392

Hanggang ngayon hindi makalimutan ng mga nurse ang binitawang pahayag ni Senador Cynthia Villar sa isang senatorial forum noong 2013 kung saan tila minaliit nito ang naturang propesyon.

Naungkat ang mga sinabi noon ni Villar dahil sa viral video sa Twitter ng isang Pilipino na nagtatrabaho bilang ICU nurse sa Amerika.

“Kalalabas ko lang dito sa ospital naming, naisipan ko lang i-record `to `wag naman sana pero medyo may sipon na ako eh saka nilalagnat ng konti, mababa pa naman,” ayon sa Pinoy nurse.

“Naisipan ko lang `to i-record para kung sakaling madale tayo ng COVID at matuluyan [na] `wag naman sana, pakisabi kay Cynthia Villar dadalawin ko siya gabi-gabi…” sabi pa nito sa maiksing video.

Umani kaagad ng sari-saring reaksyon mula sa mga Twitter user ang video ng Pinoy nurse na kampi sa kanyang mga sentimiyento at nagpahayag din ng pag-aalala at dasal para sa kanyang kaligtasan.

@Gabgrielle: “Aside from his wish for his message to reach

@Cynthia_Villar, let’ts also pray for his health and safety.”

Ibinahagi rin ni @Gabgrielle kung saan nanggagaling ang mga hugot ng Pinoy nurse laban kay Villar:

“Actually, hindi kailangan ng mga nurse na matapos ang BSN [BS Nursing]. Kasi itong mga nurse gusto lang nilang maging room nurse. Or sa America and in other countries e ano lang sila, `yong parang mag-aalaga. Hindi naman sila kailangan ganoon kagaling.”

Ito ang mga sinabi noon ni Villar na ikinagalit sa kanya ng mga nurse.

Matatandaang humingi na rin noon ng paumanhin si Villar matapos ang negatibong reaksyon ng publiko, lalo ng mga nurse na pumalag sa kanyang mga sinabi.

Narito ang iba pang reaksyon ng mga netizen sa hugot ng Pinoy nurse.

@heartofemmaus: “Matinde ka Cynthia Villar!! kahit ang tagal na nyan di pa din nila nalimutan ang pag alipusta mo sa kanila.”

@JPRapiz: “Masyadong (Di lang!) masakit kasi yung sinabi ni Cynthia sa mga nurses dati. Deserve nya rant ni sir!”

@IsaRez4: “Mr. Pinoy Nurse, lakasan po nyo loob nyo, pray for you!”

@ScottPSalcedo: “Oh nooo, please take care of yourself. Cynthia is a

virus, enough said.”

@ahdorealo: “Praying for you sir.. don’t stress yourself sa mga politiko

natin.. nakakababa ng immune system.”

@mejamesclifford: “Pagaling ka, Kuya! Ingat ka dyan. Praying for you. No

worries, makakarating to kay Cynthia Villar!”

@Makaden17: “Ramdam na ramdam kita brad. Kasi nurse din ako at hindi ako

maka move on sa sinabi ng LINTIK na Villar na yan.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad