Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar nagtaray butata kay Sotto

0 891

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nina Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at Senador Cynthia Villar kaugnay ng pahayag ng una tungkol sa mga miyembro ng kapulungan na dapat pisikal na dumadalo sa kanilang sesyon.

Nagsimula ito nang tanungin ni Villar kung naisama ba ang boto ni Senador Christopher `Bong’ Go sa Bureau of Fire Protection (BFP) bill dahil may problema ito sa koneksiyon sa internet noong pagbotohan ang panukala.

“Was Senator Go’s [vote] counted sa 11?” tanong ni Villar na sinagot naman ni Sotto na, “No, he did not answer the call of the roll”.

Giit naman ni Villar, “there’s something wrong [with his signal]” na inamin naman ni Go.

Tugon naman ni Sotto, “I don’t think we should put it that way because if you’re going to put it that way, you’ll have to be here present physically so your vote will be counted. Hindi ganun.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Doon na nagtaas ng boses si Villar at iginiit na silang mga senior citizen ay hindi dapat lumabas ng bahay sa panahon ng pandemya.

Paliwanag naman ni Sotto, ang tinutukoy niya ay si Go na hindi sumagot sa roll call nang magbotohan sa panukala.

Hanggang sa sinuspinde ni Sotto ang sesyon subalit sa pagpapatuloy nila ay agad naman humingi ng paumanhin si Villar.

“Mr. Senate President, I’m sorry ha, huwag kang magalit,” ani Villar na tinanggap naman ni Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.